Isa pang akusado sa pagpatay kay Kian ipinaaaresto rin ng korte

0
52

Pinatutugis na rin ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 ang isa pang akusado sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Kinilala ni Judge Rodolfo Acuzena ang isa pang suspek na si Reynato Reyes Loveras na siyang tumatayo umanong asset ng mga pulis na nagturo kay kian bilang drug courier.

Hindi nakabilang si Loveras sa mga hinatulan ng korte dahil nagtatago ito nang mangyari ang pagbasa ng sakdal sa iba pang kapwa akusado nito.

Gayunman, maaari pa ring mabuksan ang kaso ni Loveras sa sandaling madakip na ito ng mga awtoridad kaya’t pansamantala munang i-a-archive ang kaso nito sa korte.