Isa napaulat na patay dahil sa habagat

0
57

Isa na ang napaulat na nasawi habang libu-libo na ang naapektuhan sa malakas na pag-ulang dala ng habagat na nagdulot ng pagbaha at landslides sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kinilala ang biktima na si Renier Mendoza, 32-anyos, residente ng Vallehermoso, Negros Oriental na nasawi matapos na mabagsakan ng gumuhong bato ang bahay nito.

Samantala, naantala naman ang road-widening project sa Bontoc, Mountain Province dahil sa landslide na nagdulot naman ng pagbagal ng daloy ng trapiko.

Istranded naman ng ilang oras ang mga motorista sa Suyo-Cervantes Road sa Ilocos Sur dahil sa mga gumuhong bato na humarang sa kalsada.

Sa Mindanao, nasira ang may 50 kabahayan sa Davao City matapos na tamaan ng naglalakihang alon.

—-