IRR ng UHC law pinarerepaso sa DOH, PhilHealth

0
21

Pinarerepaso sa Department of Health (DOH) at PhilHealth ang implementing rules and regulation (IRR) ng Universal Health Care (UHC) law.

Ito ay matapos na umani ng batikos ang naunang direktiba ng PhilHealth na nagtataas sa buwanang kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, dapat na i-reassess at amyendahan ng dalawang ahensiya ang IRR ng nasabing batas dahil malaking pasanin para sa mga OFWs ang anumang dagdag na gastusin lalo na’t nasa gitna ng pandemya ang buong mundo.

Aniya, dapat na magkaroon ng kinatawan at konsultasyon sa mga OFWs sa naturang hakbang upang hindi maging dagok sa kanila ang nasabing hakbang.

Sa direktiba ng PhilHealth, tinaasan na ang premium payments ng mga OFW na may buwanang sahod na P10,000 hanggang P60,000 kung saan 3% ng kanilang buwanang kita ang kailangan nilang ihulog sa PhilHealth.

Gayunman, inatasan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na huwag obligahin ang mga OFW at gawin lamang itong boluntaryo.