Irigueña Pasok Sa Top 45 Official Candidate Sa Miss World PH’21

0
164




Iriga City – Pasok ang Irigueñang si Danica Theresa Sheen Penaflor Dilla sa Top 45 official candidate na magtatagisan ng galing para makuha ang korona bilang Miss World Philippines 2021.

Si Dilla, 26 taong gulang na mula sa Iriga City ay isa sa siyam na kandidata ng Team Aces and Queens (A&Q) na nakapasok sa nasabing prestihiyosong beauty pageant ngayong taon.

Ang A&Q ay isa sa mga kilalang ‘training camp’ ng ilang world class beauty queens gaya nina Venus Raj, Shamsey Supsup, Megan Young at marami pang iba.

Maliban sa kikilalaning Miss World Ph, ilan pa sa koronang igagawad sa magsisipagwagi ay ang Miss Supranational Ph, Miss Eco-International Ph, Reina Hispanoamericana, Miss Tourism Ph, Miss Environment International, at Miss Eco Teen International 2021.

Samantala, wala pang eksaktong petsa kung kailan at saan gaganapin ang Miss World Philippines ngayong taon.

(Source: Iriga City Tourism)

Leave a Reply