Isinagawa ang Department of Health (DOH) Infectious Disease Cluster (IDC) inter-agency and stakeholders meeting ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025, sa Daraga, Albay.
Layunin nitong pagtibayin ang kolaborasyon sa pagitan ng DOH Bicol at iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang epektibong maihatid ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan, partikular sa usapang pangkalusugan.
Tinalakay sa meeting ang mga infectious diseases tulad ng paragonimiasis (lung fluke), hand foot mouth disease (HFMD), tuberculosis at iba pang nakakahawang sakit at kung paano ito maiiwasan.
Pinag-usapan din ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development tulad ng Crisis Intervention Section programs at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), partikular ang kahalagahan ng Family Development Session (FDS).
Binigyang-diin din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ang proper management ng mga hazardous at chemical wastes, lalo na’t delikado ang mga ito sa kalusugan.
Ayon kay Dr. Jannish Alcala-Arellano, ang infectious cluster head ng DOH Bicol, ang karaniwang sakit na maaring makuha sa tag-ulan ay influenza at leptospirosis kung kaya’t kinakailangan na panatilihing malakas ang immune system, malinis ang kamay, mayroong sapat na pahinga at magpakonsulta sa doktor.
Source: PIA Bicol Region