Iriga: Voter’s Registration sa Albay, dinadagsa ng kabataan

0
63

Aabot na sa halos 20,000 ang mga nagparehistro sa lalawigan ng Albay kaugnay ng muling pagbubukas ng voter’s registration ng Commission on Elections ngayong Hulyo.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon sa COMELEC Albay, alas tres pa lamang ng madaling araw ay mahaba na ang pila sa labas ng tanggapan ng COMELEC Legazpi kung saan karamihan ng nakapila ay kabataan na nag-eedad 15 hanggang 17 anyos na pwede nang bumoto sa Sangguniang Kabataan elections.

Mayroon ring priority lane para sa mga buntis, senior, at PWD. Gayunpaman ay humihingi ng pag-unawa ang COMELEC kung maghihintay pa rin sila sa pila dahil sa ipinapatupad na physical distancing at limitado rin ang kanilang personahe.

Tatlong linggo lamang ang itatagal ng registration period mula Hulyo 4 hanggang Hulyo 23 kung kaya’t hinihikayat ang mga bagong botante na huwag nang hintayin ang huling araw ng pagpapatala.

Edad 15 hanggang 30 anyos ang pwedeng bumoto para sa SK habang 18 anyos pataas naman ang pwede bumoto sa Barangay elections. Kailangan lamang magsumite ng voter’s registration form at magpakita ng valid I.D. Pinapayagan rin ang reactivation at transfer of registration

Para mapabilis ang proseso ay maaari ng i-download, i-print at punan ang application form mula sa comelec website. Magdala lamang ng proof of identity o valid ID, sariling ballpen at alcohol. Dapat rin na sumunod sa health protocol. (Winona de Leon, ADNU Intern)

(Source: COMELEC Albay)

Leave a Reply