Iriga: Tulak ng illegal na droga, arestado ng Guinobatan PNP

0
3

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pwersa ng Guinobatan Municipal Police Station ng Albay Police Office sa paglabag sa RA 9165 sa Purok 5, Brgy. San Rafael, Guinobatan, Albay, nito lamang July 23, 2023.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Larry Niño N Prepotente, Hepe ng Guinobatan MPS, ang suspek na si alyas “Alex”, 31 taong gulang, may kinakasama, at residente ng Brgy. San Rafael, Guinobatan, Albay.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Prepotente, ikinasa ang operasyon bandang 12:30 ng hapon, July 23, 2023, sa nasabing lugar ng operatiba ng Guinobatan MPS sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.

Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Prepotente, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong pirasong small size knot-tied transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.488 gramo na may tinatayang halaga na Php 3,318.00.

Nasa kustodiya na ng Guinobatan PNP ang suspek para sa kaukulang dukumentasyon at disposisyon.  (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: PCADG Bicol Region, photo credits to the owner)

Leave a Reply