Iriga: Suspensyon ng klase, ipinatupad na ng ilang LGUs sa Albay dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ni TD Kristine

0
8
photo courtesy of Albay PIO

Nagpatupad na ng suspensyon ng klase ngayong araw ang ilang mga local government units (LGUs) sa Albay dahil sa inaasahang mararanasang mga pag-ulan dala ng trough o extension ni Tropical Depression (TD) Kristine.

Suspendido na ang mga pasok sa lahat ng antas, pampubliko, at pampribadong mga paaralan sa Lungsod ng Legazpi, bayan ng Camalig, Pio Duran, Guinobatan, Daraga, Polangui, Libon, at Sto. Domingo.

Base sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan si TD Kristine sa layong 1,050 km silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot naman sa 70 km/h.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagkilos nito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Makikita sa latest satellite images ng PAGASA ang malawak na rainbands ni TD Kristine na siyang magdadala ng mga localized rainshowers, at thunderstorms sa Albay, at ilang bahagi ng Bicol Region.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply