Monday, May 6, 2024

Iriga: SLI sa Nabua Camsur arestado sa ilegal na droga

- Advertisement -

Arestado ang isang lalaki na itinuturing na Street Level Individual (SLI) sa ikinasang operasyon ng mga otoridad kontra ilegal na droga sa Brgy. Santiago Young, Nabua Camarines Sur.

Naaresto ang isang 35-anyos na suspek ng pinagsanib-pwersa ng Nabua MPS at 93rd Infantry Battalion, Philippine Army, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office V.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu na nasa 10-gramo at nagkakahalaga ng 68,000 pesos.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: PNP Kasurog Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img