Iriga: Shabu Dealer timbog sa La Opinion, Nabua Camarines Sur

0
7

Nabua, Camarines Sur — Isinagawa ng Nabua Municipal Police Station ang isang matagumpay na Buy-Bust Operation laban sa mag tulak ng illegal na droga bandang alas-9:25 ng gabi ng Enero 5, 2026, sa Zone 6, Barangay La Opinion, Nabua, Camarines Sur.

Sa nasabing operasyon, arestado ang dalawang indibidwal habang ang isa ay kasalukuyang nasa listahan ng mga hinahanap. Ang operasyon ay isinagawa sa pagtutulungan ng Nabua MPS at PDEA-ROV. Ito ay matapos na maaktuhang nagbebenta ng isang heat-sealed plastic sachet na pinaghihinalaang shabu sa poseur buyer.Sa karagdagang pagsusuri at personal na paghahanap, nakumpiska ang tatlong silyadong sachet ng shabu na may magkakaibang dami at timbang

Ang operasyon ay isinagawa nang may wastong dokumentasyon, kabilang ang paggamit ng dalawang recording devices sa harap ng mga suspek at mandatory witnesses, isang kinatawan ng lokal na radyo at isang barangay official.

Ipinaalam sa mga naarestong indibidwal ang kanilang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanilang nauunawaan at dinala sa himpilan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Pinapaalalahanan ng Nabua MPS ang publiko na ang iligal na droga ay mahigpit na ipinagbabawal at patuloy na magsasagawa ng mga operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Hinihikayat ang mamamayan na makipagtulungan sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

Source: Nabua CSPPO

Leave a Reply