Iriga: Senior citizen patay matapos atakihin sa puso habang nagsi-swimming sa Sorsogon

0
4
photo courtesy by Jane Baniel

Patay ang isang 66-anyos na babaeng senior citizen matapos itong atakihin sa puso habang nagsi-swimming sa dalampasigan sakop ng Brgy. Calintaan Matnog sa Sorsogon umaga nitong Abril 1, 2024.

Deklaradong Dead On-Arrival sa ospital ang biktima matapos itong isugod sa isang ospital.

Sa impormasyon mula sa Matnog Police, sinasabing ang biktimang si Gloria Tayagan Endonela, 66 anyos ng Brgy. Casili, Gubat, Sorsogon ay may sakit sa puso.

Samantala, patuloy na nag papaalala ang mga awtoridad na mag-doble ingat ngayong tag-init at panatilihing malusog ang pangangatawan. (Emman Lumapag)

Leave a Reply