Iriga: Selebrasyon ng International Men’s Day, kasado na ngayong araw

0
0

Nakatakdang ganapin ngayong araw, ika-19 ng Nobyembre ang pagdiriwang ng International Men’s Day sa Albay Astrodome.

Ang selebrasyon ay may temang “Celebrating Men and Boys”, na pangungunahan ng Albay Gender and Development (GAD) Division.

Layunin nitong ipakita ang buong suporta ng lalawigan sa mga kalalakihan sa Albay.

Ayon sa GAD, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 130 indibidwal mula sa iba’t ibang organisasyong pang-kalalakihan gaya ng ERPAT, MOVE, KATROPA, PNP, at iba pang grupo mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, ang inaasahang dadalo sa aktibidad.

Sila ay makikiisa sa mga programa, talks, at iba pang bahagi ng selebrasyon na inilaan upang kilalanin at parangalan ang mga kalalakihan.

Source: Albay PIO

Leave a Reply