Iriga: Sabayang Paglilinis Kontra Dengue, Matagumpay na Inilunsad sa Albay

    0
    12

    Naging matagumpay ang isinagawang Simultaneous Clean-up Drive Launching ngayong Huwebes, ika-17 ng Setyembre sa Bagumbayan Central School sa Lungsod ng Legazpi.

    Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng kampanya kontra sa tumataas na bilang ng kaso ng Dengue sa lalawigan kung saan nagkaroon muli ng bagong reported cases na umabot sa 187 nitong ika-16 ng Setyembre.

    Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson at Albay Governor Noel Ebriega Rosal, pinakamainam pa ring hakbang ang paglilinis, at ang pagsasagawa ng ‘search and destroy’ sa mga posibleng pamugaran ng Aedes aegypti o lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

    Aniya, ang mga paaralan ang isa sa mga itinuturing na dengue hotspot areas kung kaya’t binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng regular na paglilinis at pagsasagawa ng search and destroy mosquito breeding sites dito.

    Pinangunahan ang Simultaneous Clean-up Drive ni Governor Rosal, kasama sina Department of Health Assistant Regional Director Dr. Joel H. Buenaventura, MD, MPH; Provincial DOH Officer Dr. Richard Joseph Garay; Schools Division Superintendent ng Legazpi City na si Danilo S. Despi; at Bagumbayan Central School Principal II Ernesto Mimay.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply