Iriga: Renewable Energy Summit sa Agosto, pinaghahandaan na ng Pamahalaang Lokal ng Albay

0
9
(Photo courtesy of Albay PIO)

Pinaghahandaan na ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang nalalapit na Renewable Energy Summit na gaganapin sa Agosto, taong kasalukuyan.

Sa ekslusibong panayam kay Provincial Planning and Development Coordinator, Arnold Onrubia, kaniyang kinumpirma na kamakailan lamang ay nagpulong ang binuong Albay Renewable Energy Technical Working Group (TWG) para sa naturang gawain.

Ayon kay Onrubia, layunin ng naturang aktibidad ang makahikayat ng mga mamumuhunan sa naturang proyekto at industriya.

“Ang pinaghahandaan kaining Technical Working Group ay yung pag-conduct ng Renewable Energy Summit sa August 2024. Duman po sa renewable energy summit kung sain mangyayari ini sa Albay iga-gather ta po ang mga possible investors local and even foreign investors na ma-invest digdi satuya sa province sa renewable energy,” pahayag ng opisyal.

Dagdag pa ni Onrubia, ito ay isa sa mga nakikitang sustainable na solusyon sa problema sa kuryente sa lalawigan.

“Actually, after the summit hopefully talaga makakua kitang investors kasi aram ta man na ang major problem sa province of Albay is yung kuryente, kuryente talaga, ako nagtutubod ako na ang kuryente is the bedrock of development, without kuryente, dai man po na madirigdi sato na investors lalo na manufacturing dai kaya dakulaon, iyo po iyan ang para sakuya as the planning head of the province of Albay, kaya ang Provincial Government of Albay nagigibo kitang mga posible solutions,” ani nito.

Sa kasalukuyan, pinaplantsa na aniya ng TWG ang renewable energy roadmap para maisapinal na ang mga guidelines at maaprubhan na ng Sangguniang Panlalawigan.

“Even prior to that [creation of TWG], ang saro po sa gigubuhon kang nasabing technical working group is the formulation of the renewable energy roadmap sa Province of Albay, so ang guidelines mi po diyan hopefully ma-include sa 2024, ma-finalize na, mapa-aprubahan na po, mapa-adapt na sa Sangguniang Panlalawigan,” dagdag pa nito.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply