Iriga: Red Rainfall Warning, itinaas na sa Albay at Camarines Sur dahil sa matinding ulan dala ni TD Enteng

0
9
photo courtesy of Albay PIO

Legazpi City – Nakataas na ngayon ang red rainfall warning sa mga lalawigan ng Albay at Catanduanes dahil sa tropical depression (TD) na si Enteng.

Base sa PAGASA Heavy Rainfall Warning No. 6 na ipinalabas ngayong alas 11 ng gabi, asahan pa ang malakas na mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Bicol Region.

Dahil nasa ilalim ng red rainfall warning, asahan na ang matinding mga pagbaha at landslide sa ilang lugar sa nasabing mga lalawigan.

Samantala nakataas naman ngayon ang Orange Warning sa ilang bahagi ng rehiyon tulad ng #Sorsogon, #Masbate (Batuan, Claveria, Monreal, San Fernando, San Jacinto, San Pascual) at #Catanduanes.

Pinag-iingat ang publiko lalo na sa mga nabanggit na lugar dahil sa banta ng pagbaha at landslide partikular sa mga low lying areas, malapit sa mga river channels at landslide prone areas.

Nakataas rin ang Yellow Warning sa Masbate (Aroroy, Baleno, Balud, Cataingan, Cawayan, Dimasalang, Esperanza, Mandaon, Masbate City, Milagros, Mobo, Palanas, Pio V. Corpuz, Placer, Uson) and #NorthernSamar.

Associated Hazard: FLOODING in low lying areas and near river channels.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply