Iriga: Rebeldeng grupo at tropa ng gobyerno nagka-inkwentro lima ang patay

0
1

Patay ang nasa limang rebelde na pinaniniwalaang miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG matapos nitong makaengkwentro ang mga tropa ng 2nd Infantry Battalion sa Brgy. Guiom, Cawayan sa Masbate pasado alas-6 ng umaga kahapon.

Ayon sa report ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagkaroon ng pagpatrolya ang mga tropa ng 2nd Infantry Battalion ng makatanggap ng ulat tungkol sa presensya ng umano’y mga miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG sa naturang lugar.

Kaagad pinuntahan ng mga tropa de gobyerno ang lugar at dito nga nakita ang nasa halos 20 armadong indibidwal na mga miyembro ng rebeldeng grupo.

Tumagal ng halos 20 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkakapatay ng limang rebelde habang isa naman ang sugatan na iniwan ng mga kasamahan nito.

Nasamsam sa mga rebelde ang mga bala at baril na kinabibilangan ng limang M16 rifle, isang AK 47 rifle, 523 piraso ng bala ng 5.56 rifle at 153 pirasong bala ng AK 47 at anim na bandoliers kabilang ang ilang kagamitan.

Wala namang naiulat na nasaktan sa panig ng mga sundalo. (Jv Navarro Verdeflor Jr via 9th Infantry Division PA)

Leave a Reply