Arestado ang isang lalaki na tinaguriang Rank 4 Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Bato, Camarines Sur sa isinagawang Manhunt Operation ng Bato Municipal Police Station sa Coronado St., Vista Verde Subdivision, Cainta Rizal nito lamang ika-7 ng Mayo taong 2023.
Kinilala ni Police Captain Michael P Miraflor, Officer-in-Charge ng Bato Municipal Police Station ang akusado na si alyas āJanā, 19 taong gulang, binata, at resedente ng Ā Zone 3, Barangay Baluang, Bato Camarines Sur.
Ayon kay Pcapt Miraflor, bandang 9:00 ng umaga ng naaresto ang akusado sa naturang lugar ng pinagsanib na pwersa ng PNP Bato, 501st MC RMFB5, PIU Cam Sur tracker team, Cainta MPS at Manila Police District sa pakikipag-ugnayan sa ias na barangay.
Ang naturang akusado ay naaresto sa bisa ng Warant of Arrest sa kasong Rape in relation to RA 7610 na pinalabas ng Family Court, 5th Judicial Region, Branch 7, Iriga City, Camarines Sur noong Hulyo 27, 2022 na walang nirekomendang piyansa.
Sa kasalukuyan, ang nasabing akusado ay nasa kustodiya na ng Bato PNP para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.
Samantala, mas pinaigting pa ng Bato PNP ang kampanya laban sa kriminalidad at hinihikayat ang publiko na ipagbigay alam ang anomang uri ng impormasyon ukol sa kinaroroonan ng mga nagtatago sa batas upang makakatulong mabigyan ng hustisya ang sino mang biktima ng mga krimen at karahasan para mas mapanatili ang katahimikan ng kanilang nasasakupan.
(Jv Navarro Verdeflor Jr. via PCADG Bicol Region, photo credits to the owner)
