29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Iriga: Pulis na tulak ng droga arestado ng IMEG sa Albay

- Advertisement -

Inaresto ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na drug pusher, sa buy-bust operation sa Guinobatan, Albay.

Kinilala ni IMEG Officer in Charge Police Colonel Victor Rosete ang suspek na Patrolman Joshua Resentes, na naka-assign sa Regional Headquarters Support Unit, ng Police Regional Office (PRO) 5.

Inaresto ang suspek sa Purok 1, Barangay San Rafael matapos na tanggapin ang marked money mula sa operatiba.

Ayon kay Rosete, isinagawa ng IMEG ang entrapment operation matapos na ikanta ng isang arestadong drug user na bumibili siya ng droga sa bagitong pulis.

Sinabi ni Col. Rosete, na pansamantalang nasa kustodiya ng Guinobatan Municipal Police station si Resentes habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Samantala Nasampahan na ng kaso ang suspect for Violation of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 at isang active member ng PNP matapos maging positive sa buy-bust operation na ginawa ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Bicol noong nakalipas na araw sa Guinobatan Albay. (Jv Navarro Verdeflor Jr via PNP Kasurog)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -