Iriga: Psychological First Aid, itinuro ng Deped Bicol sa halos 100 estudyante

0
97

Pinangasiwaan ng Department of Education (DepEd) Bicol ang Psychological First Aid (PFA) para sa 96 na mag-aaral mula sa Kinder hanggang Grade 6 sa Floredelis Elementary School, Macrohon District, at Southern Leyte Division nitong Biyernes, Ika-18 ng Marso 2022.

Ayon kay Charlita S. Loayon, School Head, ang tulong mula sa DepEd Bicol ang una nilang natanggap matapos ang pananalasa ng Typhoon Odette noong December 15, 2021.

Bukod sa PFA, binigyan din ang mga mag-aaral ng learners’ kits at pagkain.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina ARD Ronelo Al K. Firmo ng DepEd 5, SDS Loida N. Nidea, President, Bicol Association of Schools Superintendents, at SDS Genis S. Murallos ng Southern Leyte Division at ang PFA Providers mula sa Bicol.

Source: Bicol Overviews

Leave a Reply