Patuloy na tinututukan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pamamahagi ng Social Pension para sa mga Senior Citizen sa Albay.
Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa mga aplikante na dumaan sa evaluation at inendorso ng mga Barangay Senior Citizens Affairs (BASCA), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), hanggang sa mga lungsod at bayan na katuwang ng PSWDO.
Ayon sa PSWDO, aabot sa 16,669 na Albayano senior citizen ang mabibigyan ng pensiyon sa buong lalawigan para sa ikalawang semestre.
Sa kasalukuyan, natanggap na ng 10,296 na mga benepisyaryo mula sa Tabaco City, Rapu-Rapu, Bacacay, Malilipot, Sto. Domingo, Tiwi, Malinao, Ligao City, Libon, Polangui, at Jovellar ang kanilang buwanang pension.
Inaasahang magpapatuloy ang pamamahagi nito hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan.
Source: Albay PIO
