Iriga: PhilGAP Certified farms sa Bicol 221 na

    0
    10

    Umabot na sa 221 ang mga sakahan sa Bicol na sertipikado ng DA-Bureau of Plant Industry bilang compliant o sumusunod sa Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP).

    Tatlo (3) dito ay ang mga Research Outreach Stations ng DA Bicol: ang Camarines Norte Lowland Rainfed Research Station (CNLRRS) sa Daet, Cam. Norte at ang Albay Experiment Station (AES) sa Buang, Tabaco City, Albay at ang Albay Breeding Station-Cabangan Camalig, Albay.

    Ayon kay Helen Jovillano, point person ng PhilGAP sa DA Bicol, pinakamaraming GAP certified farms sa Camarines Norte (107); sumunod ang Masbate (39); Albay (37); Cam. Sur (35); Catanduanes (2); at Sorsogon (1). Nitong ika-18 ng Pebrero ay iginawad nina Dr. Marisa Guillermo, hepe ng Regulatory Division at iba pang PhilGAP Team-bikol ang mga sertipiko sa 18 sakahan sa Basud, Camarines Norte na pawang mga bagong aplikante sa GAP. Sampung pribadong sakahan din ang nakatanggap ng PhilGAP Certificates sa San Vicente, Cam. Norte sa parehong petsa. Samantalang may tatlong bagong sakahan at tatlong Gulayan sa Paaralan (renewal) sa Ragay, Cam. Sur; at sa Albay naman ay kabilang ang PhilRICE-Bicol Palayamanan sa tatlong bagong GAP certified farms.

    Ang PhilGAP o Philippine Good Agricultural Practices ay isang kasanayan sa pagtatanim na nagreresulta sa ligtas at mataas na kalidad na produktong agrikultura. Sumasalamin ito sa pagsunod sa mga pamantayan sa food safety, environmental management, at kalusugan ng mga manggagawa alinsunod sa RA 10611 o ang Food Safety Act of 2013.

    Ito ay ipinatutupad ng Regulatory Division ng DA Bicol katuwang ang Bureau of Plant Industry para sa mga pagkaing halaman. Ang pagsasagawa ng Good Agricultural Practices ay nagseseguro na ligtas at de-kalidad ang mga produkto; nagbibigay ng market advantage at nagbubukas ng oportunidad para sa mataas na kita para sa magsasaka. Isa din ang GAP compliance sa mga requirements ng pangdaigdigang merkado sa mga produktong pang export.

    Source: Department of Agriculture

    Leave a Reply