Iriga: PBGen. Dizon pinalakas ang partnership ng PNP PRO5 at KAAKIBAT CIVICOM, programa sa pagpapabilis ng serbisyo at komunikasyon tinutukan

0
8
photo courtesy of PNP Kasurog Bicol

Si PBGEN ANDRE P DIZON, Regional Director ng Police Regional Office 5, ang naging Panauhing Pandangal sa Ika-3 Pambansang Kumperensya ng KAAKIBAT CIVICOM noong Mayo 19, 2024 sa Legazpi City Convention Center, Legazpi City, Albay.

Ayon sa ulat, ang pagsusuri ng pakikipag-ugnayan mg Kasurog Cops sa KAAKIBAT CIVICOM ay naglalayon na mapalakas ang kooperasyon ng pulisya sa pagtugon sa mga emergencies tulad ng sakuna o aksidente sa kalsada, kalamidad atbp. bilang ahagi ng programa ni Chief PNP, PGEN ROMMEL FRANCISCO MARBIL upang mas patibayin, pahusayin at palakasin ang sistema ng komunikasyon ng kapulisan sa pagpapatupad ng kanilanv tungkulin.

Ang pagdalo ni PBGEN ANDRE P DIZON sa nasabing kumperensya ay nagpapakita ng kahalagahan ng ugnayan ng pulisya at ng komunidad sa pagsugpo ng mga pagsubok na kinakaharap ng lipunan. Ipinapakita rin nito ang dedikasyon ng PNP sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo upang maprotektahan ang kaligtasan ng bawat mamamayan tungo sa isang MAS LIGTAS NA PILIPINAS, dahil ang gusto ng kapulisan ay LIGTAS ang ating mamamayan.

(Source: PNP Kasurog Bicol)

Leave a Reply