Iriga: Paglalagay ng mga bike lanes sa ilang lugar sa Albay pinag-uusapan na ng Active Transport Council

0
6
photo courtesy of Albay PIO

Kinumpirma ni Provincial Planning and Development Coordinator Arnold C. Onrubia na nagpapatuloy ang isinasagawang pag-uusap patungkol sa paglalagay ng mga bike lanes sa ilang lugar sa Albay.

Ito ay kasunod ng pagpupulong na ginawa ng Albay Active Transport Council kamakailan.

Ayon kay Onrubia, makakatulong ang ganitong mga proyekto pagdating sa usaping pangkalusugan, gayundin sa pag-iwas ng pagkakaroon ng mabibigat na daloy ng trapiko sa lalawigan.

“Yung active transport kasi personally, I see it as not just for recreation but also it is an active mode of transportation, so maraming benefits yung active transport, sa health, sa usapin sa pagreduce, pagdecongest ng traffic, and even yung climate considerations kasi alam naman natin na sa Pilipinas car centric tayo so its about time to rethink the way we plan our streets,” saad ni Onrubia.

Kaugnay nito ay nagkaroon rin ng usapin tungkol sa na-aydentipikang mga lugar na maaaring paglagyan ng nasabing mga bike lanes.

Samantala, pinuri naman ng opisyal ang lungsod ng Legazpi at Tabaco dahil sa bike lanes na naitatag ng mga ito.

Aniya, ang ganitong hakbang ay malaking tulong sa pagpapababa ng smoke emission sa mga pangunahing kalsada gayundin sa pag-iwas sa lubhang pag-init na nararanasan sa paligid.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply