Legazpi City – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagragasa ng lahar sa walong (8 river-channels sa palibot ng Bulkang Mayon kasunod ng pananalasa ni Severe Tropical Storm (STS) Kristine sa Albay.
Ito ang kinumpirma ni Deborah Fernandez, PHIVOLCS Science Research Specialist 1, at Officer-in-Charge (OIC) ng Mayon Observatory, sa ginanap na 4th Quarter Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Full Council Meeting nitong ika-21 ng Nobyembre.
Ayon sa opisyal, naitala ito sa bahagi ng Quirangay, Binaan, Anoling, Mabinit, Masarawag, Bonga, Buyuan, at Matanag river-channels matapos ang isinagawang field verification ilang linggo matapos manalasa ng bagyong Kristine.
Maaalalang nauna nang napaulat ang pagbuhos ng volcanic debris sa dalawang river channels partikular sa Masarawag-Maninila ilang araw matapos ang hagupit ng naturang bagyo.
(Source: Albay PIO)
