Iriga: Pagpapalakas ng adbokasiya laban sa VAWC, patuloy na isinusulong sa Albay

    0
    16

    Patuloy na isinusulong ng Albay Women and Children Protection Intervention Network (AWCPIN) ang pagpapaigting ng adbokasiya laban sa Violence Against Women and their Children (VAWC) sa lalawigan.

    Ito ay kasunod ng isinagawang 4th Quarter Meeting ng AWCPIN na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng Guinobatan na ginanap sa Hiraya Bistro noong ika-13 ng Nobyembre.

    Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng adbokasiya laban sa VAWC at ang mas epektibong pagtugon sa pangangailangan ng Children in Conflict with the Law (CICL).

    Nagbahagi ang Philippine National Police (PNP), at Municipal Social Welfare and Development Offices (MSWDOs) ng kanilang karanasan at ideya para sa mga programang maaaring isulong kabilang ang mga online campaign.

    Nakatakdang pag-aralan ng AWCPIN ang mga suhestiyon upang makabuo ng konkretong inisyatiba mula rito.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply