Kinumpirma ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal na ipinag-utos na nito ang pagbili ng Php 10 million na halaga ng gamot para sa walong Provincial Government of Albay (PGA)-managed hospitals.
Opisyal na inanunsyo ni Rosal ang nasabing hakbang sa isinagawang Albay Health Workers’ Day sa Albay Astrodome.
Ayon sa gobernador, ito ay bahagi ng pagtitiyak na mayroon pa ring suplay ng gamot sa mga health facilities ng gobyerno lalo na’t patapos na ang kasalukuyang taon.
“Aram ta na we are now on the end of the year, medyo ubos-ubos na su mga budget kaya nagdadag kita, nagpabakal na kita ta worth Php 10 million na bulong ngani ngunian na Disyembre maray-maray lamang ang kamugtakan ta,” pagbibigay-diin ni Rosal.
Dagdag pa ng opisyal, ito ay bilang tugon din sa problema sa kakulangan ng suplay ng gamot sa mga hospital.
Bahagi rin aniya ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lokal ng Albay na makapaghatid ng maayos na serbisyong-medikal sa mga Albayano.
Matatandaang isa ang sektor ng kalusugan sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na nakaangkla sa priority development agenda na “Albay in my H.E.A.R.T”.
Source: Albay PIO
