29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Iriga: Pagbaba ng mga labi ng nasawi sa Cessna plane crash, posible pang abutin ng 2-3 araw

- Advertisement -

Nahihirapan ngayon ang mga responders na maibaba ang mga labi ng nasawi sa Cessna plane crash sa dalisdis ng bulkan Mayon dahil sa sama ng panahon at napapalibutan ng mga hamog ang paanan ng bulkan.

Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo, posibleng abutin pa ng dalawa o tatlong araw ang pagbaba ng mga labi dahil dito.

Hindi na rin umano kinakaya ng retrieval teams ang pagdadala dahil sa pagod, kung kaya’t kinakailangan na nilang bumaba at iwan ang mga labi sa bulka, subalit tiniyak naman nito na nasa maayos ang kalalagyan ng mga labi mula sa dalisdis ng bulkan. Dagdag pa nito, kinakailangan din ng karagdagang augmentation para sa pababa ng mga labi.

Sinubukan ding gumamit ng chopper upang mapabilis ng pagkuha subalit walang pagkakataong makuha ang mga ito dahil sa sama ng panahon, kung kaya’t by foot pa rin ang pagsasagawa ng operasyon.

Sinabi pa ng opisyal, nasa 700 o 800 responders na ang tumulong upang mahanap ang eroplano at mga pasahero nito mula nang naiulat na nawawala noong Pebrero 18. Samantala, umaasa naman ang pamunuan ng Energy Development Corporation (EDC) na maibaba na sa lalong madaling panahon ang mga labi ng kanilang mga kasamahan. (Jv Navarro verdeflor Jr via Mayor Caloy Baldo Camalig Albay, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -