Iriga: P442-k halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang drug pusher sa Jose Panganiban, Camarines Norte

0
2

Tiklo ang isang lalaking tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang operasyon ng awtoridad sa Purok 2, Brgy. Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte dakong alas 11:50 kagabi, Pevrero 13, 2023.

Kinilala ang suspek na si alyas “Nognog”, 30-anyos, may asawa, at residente ng Purok 7, Brgy. Tugos, Paracale Camarines Norte.

Tumitimbang ng 65 gramo ang hinihinalang shabu na nakumpiska sa suspek.

Nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JV Navarro Verdeflor Jr. via Camarines Norte PPO, photo credits to the owner)

Leave a Reply