28.8 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Iriga: P2.8M “shabu” nakumpiska ng PNP Bicol sa Albay buy-bust

- Advertisement -

Camp GBGen Simeon A Ola, Legazpi City – Bilang pagpapatuloy ng kampaya kontra illegal na droga ang Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN ANDRE P DIZON, RD, PRO5 ay walang humpay sa paglulunsad ng operasyon upang tugisin ang pinagmumulan ng suplay nito.

Nitong ika-5 ng Pebrero 2024, matagumpay ang naging operasyon ng yunit na binuo ng ODRDO-RPDEU 5 at Sto. Domingo MPS kasama ang PDEA ROV nang maaresto nito ang minor de edad na suspect na kinilalang si “Jan” isang residente ng Brgy. Oro Site, Legazpi City. Inilunsad ang nasabing buy-bust dakong 11:50 ng gabi sa Purok 2, Brgy Lidong, Sto Domingo, Albay.

Sa isinagawang buy-bust nakuha mula sa kanyang kustodiya ang 415 gramong “shabu” na magkakahalaga ng PhP2,822,000.00. Maliban dito nakuha rin sa kanya ang isang kutsilyo at cellphone.

Sa ngayong ito ay nasa kustodiya ng pulisya para sa karagdagan imbestigasyon bago ito ilagay sa pangangalaga ng DSWD.

Ang PNP Bicol ay nagbabala sa publiko na maging mapagmatyag at huwag hayaang malululong ang kabataan sa pagkakasangkot sa pagamit or pagbebenta ng iligal na droga.

Kaugnay nito, ipinaalala ni RD DIZON ang programa ng PNP na KKDAT o Kabataan Kontra sa Iligal na Droga at Terorismo, na layuning mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan sa kahalagahan ng buhay at pamilya sa pamamagitan ng pag-iwas sa droga at pagtanggi sa mga mapanganib na grupo na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang kinabukasan.

(Source: Press Release PNP R05)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -