Iriga: Miss Bicolandia ’24 Barcela, nakatakdang bigyang-pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan

0
2
photo courtesy of Albay PIO

Nakatakdang bigyang-pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) si Mikki Angela Barcela matapos nitong masungkit ang korona, at itanghal bilang Miss Bicolandia 2024.

Mula sa dalawampung (20) kandidata galing sa iba’t ibang lugar sa Rehiyong Bikol, nasungkit ni Barcela ang titulo sa ginanap na coronation night nitong ika-11 ng Setyembre sa Jesse M. Robredo Coliseum, sa Lungsod ng Naga.

Bukod pa rito, natanggap din ng 23-anyos na Albayana beauty queen, na tubong Bacacay, Albay, ang Darling of the Press Award, Best in Long Gown, Miss Lotus Blu Hotel Naga, Miss DITO, Miss Coca Cola, Miss DLTB, Miss SeaTech, at Miss Gateway Visa Solution.

Ayon kay Committee on Tourism Chairperson, 2nd district Board Member Atty. Melissa Abadeza-Armedilla, bukod sa provincial resolution, nakatakda rin na tumanggap ng cash incentive si Barcela dahil sa karangalang naiuwi nito sa lalawigan.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply