Upang matukoy ang mga suliranin at interbensyon para sa ikauunlad ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang Participatory Situational Analysis (PSA) sa Barangay 14 (Pob.), Bacacay, Albay noong Pebrero 25-26, 2025.
Dinaluhan ng mga PSA volunteers at Barangay Council ang aktibidad kung saan sama-samang tinukoy ng mga residente ang mga lakas, kahinaan, oportunidad, at banta sa kanilang barangay. Sa gabay ng Area Coordinating Team (ACT) ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), tinukoy din ng residente ang mga solusyon sa mga kinakaharap na isyu ng komunidad.
Layunin ng PSA ay makabuo ng Barangay Action Plan sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa mahahalagang isyu at posibleng solusyon.
Ang naturang aktibidad ay parte ng implementasyon ng KALAHI-CIDSS Pag-abot upang palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.
Source: DSWD Bicol Press Release
