Iriga: Mga local entrepreneurs sa lalawingan, bumida sa ‘Albay Saod Trade Fair 2024’

0
8
photo courtesy of Albay PIO

Legazpi City – Ibinida ng anim na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa Camalig, Albay, ang kanilang kakaiba at mataas na kalidad na mga produkto sa DTI-Albay Saod Trade Fair 2024.

Kabilang sa mga local businesses na ito ay ang Marketvalue Corporation na “Kamalig Kitchen,” na nag-aalok ng mga tradisyonal na Bicolano specialty, at Rains Delicacies, na kilala sa kanilang pilinut treats at magagandang cacao chocolates.

Ibinida rin ng Starcrest Asia, Morin Crafts, Moico’s Bicol Tablea at Noveno’s Pilinut Candies ang kanilang iba’t-ibang lokal na produkto.

Samantala, patuloy ang Local Government Unit ng Camalig sa pagbibigay suporta sa mga negosyong ito sa ilalim ng One Town, One Product initiative sa pamamagitan ng pagpapahusay ng product development at market access.

Ang trade fair ay nagsimula noong Nobyembre 27 at magtatapos hanggang Disyembre 1, 2024.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply