Nilusutan ng Masbate Province Futsal Secondary Team ang depensa ng Masbate City sa score na 6-3 sa Championship game ng Futsal kahapon na ginanap sa Legazpi City Science High School.
Disiplina, pusong mapagpakumbaba, at panalangin, ang mga naging pundasyon para ihanda ang koponan sa Palarong Bicol ayon kay Grace Merico Jazul, Head Coach ng Futsal secondary team. Dagdag pa niya, “Nagkaroon kami ng intensive training at paghubog sa character at attitude nila.”
Photo by: Rene T. Besmonte Jr., Mark Talavera & Sthefany Dianne Guinto
Source: DepEd Bicol
