Iriga: Mahigit 400 ektarya ng lupang sakahan sa Bicol, kinakapos na sa suplay ng tubig – NIA Bicol

0
20
Photo courtesy to rightful owner

Kinakapos na sa suplay ng tubig mula sa irigasyon ang aabot sa 475 na ektarya ng lupang sakahan sa Bicol.

Sa impormasyon mula sa National Irrigation Administration – Bicol, nangangailangan ng suplay ng tubig ang mga irigasyon mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Masbate, at Albay.

Ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga irigasyon sa rehiyon ay resulta ng bihirang nararanasang pag-ulan sa Bicol nitong Pebrero ayon sa NIA Bicol.

Kaugnay nito, nagsasagawa na umano sila ngayon ng mga hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong magsasaka.

Kabilang na rito ang pagpapahiram ng mga augmentation pumps sa mga magsasaka at ang patuloy na paghuhukay sa mga ilog at sapa para sa mabilis na pagdaloy ng tubig sa mga irigasyon.

(Emman Lumapag)

Leave a Reply