Iriga: Mahigit 1000 benepisyaryo sa Malinao, Albay tumanggap ng tig–Php 2,000 sa ilalim ng UPLIFT

    0
    6

    Nasa 1,325 benepisyaryo sa bayan ng Malinao ang tumanggap ng tig-Php2,000 sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance program.

    Pinangunahan ng DSWD Field Office 5 ang pamamahagi ng 2nd tranche ng ayuda para sa Group 2 o poor and near-poor households na kabilang sa Community-Based Monitoring System (CBMS).

    Bawat pamilya ay tatanggap ng tig-P2000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre o kabuuang P12,000 sa anim na buwan.

    Ang pamamahagi ng UPLIFT Assistance ay programang tugon ng pamahalaan sa pagtaas ng mga presyo ng gasolina at pangunahing mga bilihin bunsod ng kaguluhan sa Middle East.

    Source: PIA Bicol Region

    Leave a Reply