Iriga: Lima Katao arestado sa paglabag sa PD 1602 (Tupada)

0
1

Bandang 2:00 ng hapon ng Pebrero 12, 2023 matapos na makumpirma ang impormasyon tungkol sa kasalukuyang tupada sa Brgy San Vicente, Baao Cam Sur, ang mga tauhan ng Baao Municipal Police Station katuwang ang mga operatiba ng Camarines Sur 2nd PMFC, at sa pangangasiwa ni PMAJ DIVINO JOHN B PELEA, OIC, ay nagsagawa ng anti-illegal gambling operation (Tupada) na nagresulta sa pag-kakaaresto ng lima katao na sina 1.) aka Ederson, 38 taong gulang, may asawa, residente ng Zone 1, Brgy San Juan, Baao, Camarines Sur; 2) aka Jonathan, 26 taong gulang, residente ng Centro St., Brgy Buluang, Baao, Cam Sur; 3.) aka Jerome, 45 taong gulang, residente ng Zone 6, Brgy Salvacion, Baao, Cam Sur; 4.) aka Rio, 30 taong gulang, residente ng Zone 6, Brgy Salvacion, Baao, Cam Sur; at si 5.) aka Arnold, 43 taong gulang na taga Zone 5, Brgy San Vicente, Baao, Cam Sur, matapos sila ay maaktuhang pumupusta/tumataya sa illegal na sabong o Tupada.

Ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensya sa ay ang mga sumusunod; apat (4) na manok panabong, dalawang (2) gaff blade, at perang nagkakahalaga ng one thousand five hundred forty pesos (Php1540.00) na bet money o pusta.

Ang mga arestadong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyan nasa kostudiya ng Baao Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602.

Ang matagumpay na operasyon kontra sa illegal na sabong ay naisakatuparan dahil sa pakikipagtulungan at pagmamalasakit ng ating mga kababayan na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng kapulisan laban sa mga illegal na gawain. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via MPS Baao, photo credits to the owner)

Leave a Reply