Iriga: Likhang Anyo Arnis Grassroots Training Program, naging matagumpay

0
6
photo courtesy of PIO Sorsogon

Naging matagumpay ang limang araw na grassroots training program sa Likhang Anyo Arnis para sa mga estudyante na nagmula sa iba’t ibang paaralaan sa lungsod ng Sorsogon. Ito ay nag simula nitong ika-22 ng hulyo at magtatapos ngayong araw ng biyernes sa Balogo Gym kung saan magkakaroon ng huling presentasyon ang mga kabataang arnisador.

Ito ay bahagi ng Sulay sa Futuro Sports League ng Alkalde ng lungsod na nakatuon sa pagtuturo at pagbibigay kaalaman sa mga kabataan na gustong pumasok sa iba’t ibang larangan ng Sports. Upang ipakita ang kaniyang suporta, ay binisita niya ang mga kabataan ngayong Huwebes, upang tunghayan ang kanilang preperasyon para sa pagtatanghal ngayong araw.

Ang Likhang Anyo ay isang kategorya na nagpapakita ng tamang porma sa serye ng pag galaw at teknika sa sining ng arnis, habang hinuhubog ang kanilang kasanayan sa mga aspeto ng disiplina, tulad ng koordinasyon, bilis, at taktika.
Ayon kay Sorsogon Arnis Club President Mr. Mark Alvin Lusuegro, ang ito ang magsisilbing paraan nila bilang preperasyon sa nalalapit na National tournament na gaganapin ngayong Disyembre.

(Source: PIO Sorsogon)

Leave a Reply