Iriga: Lalaking kabilang sa Other Wanted Person (OWP) arestado sa bayan ng Nabua

0
4

Arestado ang lalaking nakatala sa Other Wanted Person (OWP) sa ikinasang Manhunt Charlie Operation sa Sto. Domingo, Nabua, Camarines Sur nitong Lunes, ika-26 ng Hunyo 2023.

Kinilala ang suspek na may labing-siyam na taong gulang, may kinakasama, at residente ng Zone 4 Sitio Ki-karingay, Brgy. Sto. Domingo, Nabua, Camarines Sur.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong ROBBERY (Pagnanakaw) sa ilalim ng Criminal Case No. IR-16585 na may inirekomendang piyansa na Php48,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nangyari ang pag-aresto sa suspek bandang alas-8:00 ng gabi ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng RMFB5, 501ST Manuever company, at ng Nabua Municipal Police Station.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Nabua MPS ang naaresto para sa kaukulang disposisyon. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: Nabua MPS CSPPO, photo credits to the owner)

Leave a Reply