Baguio: Tulong ng mga magulang kaugnay sa napa ulat nabuong gang sa La Trinidad, Benguet hiniling ng mga opisyal

0
5

La Trinidad, Benguet – Nanawagan si La Trinidad Mayor Romeo Salda sa mga magulang na madalas nilang subaybayan ang mga anak nila upang malaman kung sino ang mga barkada o kaibigan ng mga ito.

Ang panawagan ni Mayor Salda ay kasunod ng ulat nakarating sa kanila na may nabuong hinihinalang gang at ang mga miyembro umano ay mula sa paaralan nasasakupan ng Munisipyo. Hiniling ni Salda sa tutukan ito ng Parents Teachers Association upang mailayo ang mga estudiante sa anumang bagay na makakasira sa kanilang kinabukasan.

Kanyang sinabi na kung maari sanang mapagmasid sa kanilang mga anak at malaman kung ano ang kanilang mga ginagawa at huwag nila itong ipagwalang bahala. Anya kailangan din ang tulong ng publiko para sa sulusyon ng nasabing problema upang hindi sumasali ang mga estadiante sa nasabing gang.

Sinabi ni Mayor Salda nakipag usap na rin siya mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station. Kanyang ibinahagi na nauna ng imbestigasyon na isinagawa ditto. Ayon kay Salda, nakilala nila ang pinaghihinalang tinitirhan ng nasabing grupo at kasalukuyang nakikipag ugnayan na sila sa mga paaralan kaugnay sa naturang problema. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU – La Trinidad, Benguet)

Leave a Reply