Iriga: Lalaki nag-bigti sa bayan ng Pili, Camarines Sur

0
15

Patay ang isang 27 anyos na lalaki matapos itong magbigti gamit ang lubid sa loob ng mismo ng pamamahay nito sa Brgy. Curry, Pili, Camarines Sur kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Pili MPS, pasado alas-10 kaninang umaga nang matagpuan umano ang biktima ng isa sa mga kapamilya nito na wala ng buhay habang nakabigti gamit ang lubid sa loob ng pamamahay nito.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung ano ang naging dahilan ng pagpatiwakal ng biktima. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: MPS Pili, CamSur, photo credits to the owner)

Leave a Reply