Monday, May 13, 2024

Iriga: Kasurog Cops, nakahanda para sa seguridad sa Mahal na Araw at Bakasayon sa Bicol

- Advertisement -

Buong pwersang magpapakalat ng mga tauhan ang Police Regional Office 5 para tiyakin ang kaligtasan ng publiko partikular na ang mga babyahe ngayong mahal na araw at nalalapit na bakasyon sa Bicol.

Ayon sa PNP Bicol, bahagi ito ng Oplan Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2024 na nakatakdang simulan sa susunod na linggo bago ang Holy Week Exodus.

Ilan sa mga pangunahing tututukan ng PNP Bicol ay ang regular na pag-inspeksyon sa mga matataong lugar tulad ng bus terminal, pantalan, Bicol International Airport at iba pang hub ng transportasyon.

Bukod rito, ilalatag rin ang mga Assistance Hubs at Police Assistance Desk sa mga kalsada upang magbigay ng asistensya at gabay sa publiko. Gayundin, palalakasin din ng PNP Bicol ang kanilang anti criminality operations upang maiwasan ang mga magnanakaw na pasukin ang mga bahay ng mga taong aalis para magbakasyon.

Tutugunan rin ng PNP Bicol ang mga lugar na madalas pagdaanan ng mahigpit na trapiko para matiyak ang mas mataas na seguridad at maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Sa ilalim ng Oplan Ligtas Sumvac, buhay at aktibo ang contingency plans ng mga kapulisan sa bansa. Dahil dito, inaasahang naka-maximize ang deployment ng mga personnel ng PNP Bicol sa rehiyon, sa pakikipagtulungan ng mga Local Government Units at Department of Tourism.

(Source: PNP Kasurog Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -