Iriga: Karagdagang health supply nai-turnover na sa Sorsogon

0
3

Nagpadala ang DOH Bicol sa Sorsogon nitong Miyerkules, Abril 30, ng 1,000 Salbutamol nebules bilang dagdag na supply sa probinsya sa pagresponde sa pangangailangang medikal ng mga residenteng apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Bulusan.

Ang nasabing gamot na mula sa Bicol Regional Hospital and Medical Center ay personal na nai-turnover ni DOH Bicol Assistant Regional Director Dr. Rosa Maria B. Rempillio sa Sorsogon Provincial DOH Office (PDO).

Ang gamot ay para sa pagbibigay-lunas sa hirap na paghinga, pag-ubo, at paninikip ng dibdib ng mga taong may hika o asthma at chronic obstructive pulmonary disease na maaring na-trigger ng abo mula sa bulkan.

Samantala, naiturn-over na din sa bayan ng Bulan, Juban, Irosin at Magallanes ang health commodities kabilang ang water containers, facemask, N95 mask at salbutamol nebules.

Patuloy naman ang pagmomonitor ng DOH Bicol sa sitwasyon ng mga evacuees at ilan pang naapektuhang residente upang makapagbigay ng sapat na tulong at maiwasan ang anumang epekto sa kalusugan.

Pinapaalala naman ng DOH Bicol na sunduin ang mga safety at health tips bilang proteksyon mula sa mga maaaring banta sa kalusugan dulot ng abo mula sa bulkan.

Source: DOH Bicol CHD

Leave a Reply