Iriga: Isang matagumpay na aktibidad ng pagtanim ng mga puno ang isinigawa ng mga tauhan ng Baao pulis

    0
    21

    Isang matagumpay na tree planting activity sa Tinawagan Hills, Barangay Lourdes Baao, ang isinagawa ng mga personahe ng Baao Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ DENNIS G QUINDARA, COP, sa pakikiisa at pakikipag-ugnayan sa Lokal na Goberno ng Baao sa pangunguna ni Mayor Jeffrey S Besinio, KKDAT, Force Multipliers, Rotary Club of Baao, Mt. Simurai Baao Eagles Club, at ibat ibang ahensiya ng goberno, bandang alas-6:30 ng umaga, ika-28 ng Hulyo, 2023.

    Ang nasabing gawain ay bahagi ng isinasagawang pagdiriwang ng ika-28 taon ng Police Community Relations ngayong buwan ng Hulyo na may temang, “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan.”.

    Layunin ng aktibidad na ito na himukin ang komunidad na makiisa sa pagtatanim ng mga puno at maitaas ang kanilang kamalayan sa kahalagahan ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga puno. Mahalaga para sa ating kapulisan na maipamulat sa lahat ang tamang pangangalaga at pagpoprotekta sa mga puno ng ating kalikasan, lalo na at ito ay nakapaloob sa PNP CORE Values na “MAKAKALIKASAN.” (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

    (Source: Baao MPS CSPPO, photo credits to the owner)

    Leave a Reply