La Trinidad, Benguet -Ipinaliwanag ni Mayor Romeo Salda ang pagpapasailalim sa demolition ng isang tulay na kasalukuyang itinatayo sa bahagi ng BAPTC La Trinidad itong mga nakaraang araw lamang.
Sinabi ni Salda, ito umano ay walang permiso kaya ito ay giniba o idemolish. Anya nakatakda sanang gibain ito noong nakaraang linggo ngunit naipagpaliban dahil sa TRO na isinampa ng isang tao.
Magkaganon man, sinabi niya nakatanggap sila ng demolition order mula sa Anti-Illegal Structure Committee at isinagawa ito matapos hindi nila inaprubahan ang nasabing TRO.
Sinabi pa rin ni Mayor, na maliban sa kawalan ng permit to construct ang nasabing tulay at hindi pa maganda ang pagkagawa nito at hindi rin nito ipinaalam ng Benguet State University sa kanila.
Binigyan diin ni Salda na walang dapat magpatayo ng tulay sa nasabing lugar dahil sa nakakaapekto ito sa Bolo creek na kalimitan ay binabaha. Idinagdag pa nito na mayroon pang mga illegal naipatayo na tulay at kasalukuyan pang inilalakad upang gibain ito. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes)
