IRIGA: ‘Individual response’ hikayat ng DOH Bicol CHD sa gitna ng Mayon eruption, Typhoon Ada

    0
    14

    Sa unang episode ng Chikahang Pangkalusugan ngayong January 16, 2026, hinikayat ni Dr. Aurora Teresa M. Daluro, Medical Specialist III at head ng Public Health Preparedness and Response Unit, ang mga tagapakinig na sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga ahensya tulad ng DOH Bicol CHD para sa mga paalalang pangkalusugan sa gitna ng Mayon eruption at Typhoon Ada.

    “Kahit anong galing ng ating mga agencies, the individual response [for Mayon eruption and Typhoon Ada] is the most important. Pag hindi po tayo natuto ng healthy options, hindi po gaganda ang response,” Dr. Daluro said.

    Ibinahagi ni Dr. Daluro ang mga health reminders kapag may ash fall tulad ng pagsuot ng face mask o pagtakip ng basang pamunas sa bibig at pagsara ng mga bintana o kahit anong maaring mapagpasukan ng ash fall sa tahanan. Nagbabala din si Dr. Daluro sa posibleng banta ng lahar dulot ng volcanic hazards kasabay ng pag-ulan.

    Ayon kay Dr. Daluro, naka-station ang mga DOH Human Resource for Health, medical staff ng Rural Health Units/City Health Office, at mga Barangay Health Workers sa mga evacuation centers upang matutukan ang kalagayan ng mga evacuees. Kasabay nito ang tuluyang disease surveillance upang ma-monitor ang mga health conditions sa mga evacuation center.

    Nakadeploy na rin ang mga Water, Sanitation and Hygiene teams upang suriin ang kalinisan ng tubig sa mga evacuation center.

    Patuloy ang koordinasyon ng DOH Bicol CHD sa mga local government units para sa kinakailangang technical assistance. Handa ang DOH Bicol CHD teams upang magbigay ng karagdagang serbisyo sa mga evacuation center sa posibleng pagtaas ng Alert Level 4 status ng bulkang Mayon.

    Source: DOH Bicol CHD

    Leave a Reply