32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Iriga: Ikinabigla ng lahat na mga suporters at kaibigan ni Governor Noel Rosal ng Albay ang pagkakadiskwalipika nito

- Advertisement -

Halos maipon ang supporters nito sa harap ng capitolyo para magbigay ng moral na suporta at nag attend ng misa para magdasal na hindi ito mapaalis sa puesto,Na kung saan hindi inaasahan ng lahat ang pagkakadiskwalipika ni Albay Gov. Noel Rosal bilang governador sa nasabing lalawigan.Samantalang sinabe ni Board Member Rolly Rosal,nabigla ang lahat at hindi nito inaasahan ang resulta mula sa Commission on Election 1st Division hingil sa disqualification ng governador.

Visit RPN DZKI Iriga

Aniya ang tanging pinahahandahan ng mga ito ay ang protesta laban kay Legaspi City Mayor Geraldine Rosal,dahil dikitan ang labanan sa lungsod ng legazpi nitong eleksyon at hindi nila alam na mayroong protesta umano sa governador,Una na rito binigyan diin ng familya Rosal na hindi lang laban ito ni Gov.  Rosal bagkus ay laban ng mga albayano nabumoto sa kanya para maipanalo ang eleksiyon.

Umaasa parin ang opisyal na mareresolbahan pa rin sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan,maaalala na pinaboran ng 1st division ng Comelec ang petition laban sa kanya ni Joseph Armogila sa umanoy violation ng omnibus election code. sinabe rin ni comelec spokesperson JohnRex Laudiangco si Rosal noong siya ay mayor nag approved na magpalabas ng fundo na ipinamigay na cash assistance sa mgatricycle drivers at senior citizens,bago pa nuong nakaraang May 10,national and local election,sa panahon na ipinagbabawal ang pagastos ng pera ng bayan sa loob ng 45days bago ang hahalan. Mariin naman na sinabe ni Gov, rosal na siya parin ay uupong  governor hanggang sa may ipalabas na court order with finality na siya ay atasan na lisanin na ang kanyang oficina at posisyon. (Joey H. Lim)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -