Friday, May 3, 2024

Iriga: Ika-54 na Charter Foundation Anniversary ng Iriga City, kasado na

- Advertisement -

Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pangunguna ni Mayor Rex C. Oliva, at ng Sangguniang Panglungsod kaugnay ng idadaos na selebrasyon ngayong darating na Setyembre 3, 2022.

Visit RPN DZKI Iriga

Tampok sa naturang aktibidad, binuksan ang isang linggong programa kamakailan lang ang “SAUD AG NUAK” na ang ibig sabihin Food and Trade fair. Kabilang dito ang mga pagkaing gawa ng mamamayan ng Camarines Sur particular na Lungsod. Nagkaroon din ng sports tournament, medical mission, at vaccination alinsunod na rin sa ipatutupad na Pinas Angat program.

Sa panayam ng RPN DZKI Iriga kay Mayor Rex Oliva itatampok rin ang KAFUERTE Night sa gabi ng Septyembre 3,2022 na dadaluhan din ng gobernador Luigi at Congressman Migz Villafuerte matapos ang gagawing civic and military parade sa umaga ng nabanggit na araw. Na dadaluhan rin ng lahat na sector ng lungsod kabilang na ditto ang mga kawani ng DZKI at lahat na sector ng pampribado, academe, business sector at ang 36 barangay ditto sa Lungsod ng Iriga.

Matatandaan na ang Lungsod ng Iriga ay buwan lamang ang pagitan noong unang sumahimpapawid sa Lungsod . at ito ang kaunaunahang himpilan ng radio na DZKI-Iriga noong Oktubre 28, 1968. (Joey H. Lim)

(Source: Interview with Mayor Rex C. Oliva, photo courtesy of Iriga City Tourism)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img