Iriga: Gov Rosal, ipagdiriwang ang ika-100 araw ng panunungkulan bilang gobernadora ng Albay

0
0

Handa na ang Albay para sa selebrasyon ng ika-100 araw sa panunungkulan ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal bilang gobernador ng lalawigan.

Gaganapin ang programa ngayong ala-una y medya ng hapon sa Albay Astrodome, kung saan pangungunahan mismo ni Gob. Rosal ang pagdiriwang.

Sa naturang okasyon, magbibigay siya ng ulat sa bayan ukol sa mga pangunahing programa, proyekto, at tagumpay na natamo ng kanyang administrasyon sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan.

Inaasahang dadalo sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang departamento ng pamahalaang lokal ng Albay, pati na rin ang ilang mga panauhing pandangal mula sa iba’t ibang sektor.

Para sa mga nais makibahagi sa kaganapan, mapapanood nang live ang programa sa official Facebook page ng Albay Provincial Information Office (PIO).

Source: Albay PIO

Leave a Reply