Iriga: Gob. Lagman, tiniyak ang buong suporta sa iba’t ibang kooperatiba sa Albay

0
4
photo courtesy of Albay PIO

Tiniyak ni Governor Edcel Grex Lagman ang tuloy-tuloy at buong suporta sa mga kooperatiba sa Albay.

Ayon sa gobernador, maaasahan ang kanyang 100 porsyento na suporta at paniniwala para sa mga kooperatiba dahil maraming mga Albayano ang makikinabang dito.

“As a governor, you can always have my 100 percent support, naniniwala po ako sa mga kooperatiba, naniniwala po ako na inclusive to, naniniwala ako na pang-masa to, naniniwala akong mas maraming Albayano ang makikinabang dito sa ganitong klaseng modernong pagne-negosyo”, ani Lagman.

Dagdag pa nito, ang mga aktibidad na tulad ng trade fair ay nagpapaalala na hindi lamang isinusulong ng kooperatiba ang economic progress kundi pagkakaisa at tibay bilang isang kumonidad.

Ang pahayag ay kasunod ng selebrasyon ng 2024 National Cooperative Month Celebration sa lalawigan na may temang Cooperatives: Stronger Together Today for a Brighter Tomorrow na pinangunahan ng Albay Provincial Cooperative, Enterprise and Manpower Development Office (APCEMDO) at Cooperative Development Authority (CDA).

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply