Iriga: Environmental concerns binigyan-diin kasabay sa pagsasaayos ng access roads ng BIA Phase 2 expansion

0
13
photo courtesy of Albay PIO

Magpapatuloy ngayon ang pagtrabaho ng service access roads kasabay ng isinasagawang expansion ng Bicol International Airport (BIA) kung saan kinokunsidera rin ang environmental concerns sa pagsasaayos nito.

Sa ekslusibong panayam kay Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) Arnold C. Onrubia, sinabi ng opisyal na kailangan munang maayos ang area development plan parte ng ikalawang yugto ng expansion ng naturang paliparan.

“Sa ginawang meeting, napag-usapan namin yung need for an area development plan in the Bicol International Airport because ayaw natin na maulit sa airport yung nangyari sa ibang airport [na we value the environment],” ani Onrubia.

Dagdag pa ni Onrubia, kinakailangang ikonsidera rin sa naturang development ang environmental concerns.

“So as early as now kailangan na natin pag-usapan ang area development, ano yung mga possible business, possible development ang puwede nating ma-establish malapit sa BIA taking into account yung harmony nito sa ating environment,” saad ng opisyal.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply